Noong July 29, 2011, ang mga estudyante ng BSIT-41A ng STI Meycauayan College ay nagpunta sa Ayala Museum, National Museum, at Chinese Garden sa Luneta Park.
AYALA MUSEUM
Dito makikita ang mga gintong nakita ng mga Pilipino sa ibat ibang lugar sa bansa. Makikita din dito ang iba't ibang kasangkapan sa bahay ng mga dayuhan. Makikita mo rin dito ang mga damit na isinusuot ng ating mga ninuno noong unang panahon. Merong mga palabas na ipinapakita sa bawat departamento ng museum. Ang mga palabas na ito ay naayon sa kung anong nilalaman ng departamentong iyon. Meron ding mga diorama na nagpapakita tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Naroon din ang mga iba't ibang painting na gawa ng mga Pilipino tulad ni Fernando Amorsolo, Fernando Zobel at iba pa.
NATIONAL MUSEUM
Makikita dito ang mga ibat-ibang painting at sculpture ng mga Pilipinong artist. Makikita din dito ang iba't-ibang uri ng hayop na tanging sa Pilipinas lang makikita.
CHINESE GARDEN
Makikita dito ang itsura ng lugar sa China. Makikita mo dito kung ano ang itsura ng mga bahay sa kanilang bansa.